top of page
Graduate School  banner

Your Story Starts Here:

Wika, Panitikan, at Pedagohiya bilang Panlipunang Gampanin

Master of Arts in Education Major in Filipino

Ang Master of Arts in Education, Major in Filipino ay programang panggradwado para sa mga guro, manunulat, tagasalin, at iskolar na nagnanais magpakadalubhasa sa pagtuturo ng Filipino bilang wikang panturo, daluyan ng panitikan, at kasangkapan ng pambansang kamalayan. Tumutuon ito sa masusing pag-aaral ng wika, estruktura, at gamit ng Filipino; kasaysayan at kasalukuyang agos ng panitikang Pilipino; at makabagong estratehiya sa pagtuturo. Layunin ng programa na linangin ang kakayahang analitiko, kritikal, at makatao ng mga guro upang tugunan ang mga hamon ng edukasyong multilinggwal at makabansa.

  • Istruktura ng Wikang Filipino – Masusing pagsusuri sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika ng Filipino.

  • Panitikan ng Pilipinas – Panimulang at mas mataas na pagtalakay sa panitikang rehiyonal, pambansa, at diaspora.

  • Pedagohiya ng Pagtuturo ng Filipino – Makabago at batayang teoretikal na estratehiya sa pagtuturo ng wika at panitikan.

  • Pagsasalin at Pag-eedit – Teorya at praktika ng pagsasalin, pagsasa-Filipino, at pag-edit ng mga akademikong teksto.

  • Paglinang ng Kagamitang Pampagtuturo – Paggawa at ebalwasyon ng akmang kagamitang panturo para sa iba’t ibang antas.

  • Pagsulat: Akademiko, Malikhaing, Teknikal – Paghasa sa kasanayan sa pagsulat para sa iba’t ibang layunin.

  • Sosyolinggwistika at Patakarang Pangwika – Ugnayan ng wika, kultura, at kapangyarihan sa konteksto ng Pilipinas.

  • Pananaliksik sa Wika at Panitikan – Pagbuo ng pananaliksik na nakaugat sa lokal na karanasan at pananaw.

  • Guro ng Filipino sa Sekundarya at Tersyarya – Pagtuturo ng wika, panitikan, at komunikasyon.

  • Manunulat o Editor ng Kagamitang Pampaaralan – Pagsulat ng aklat, modyul, at gabay-pagtuturo.

  • Tagasalin o Language Specialist – Pagsasalin at pagproseso ng dokumento’t manuskrito.

  • Konsultant sa Kurikulum – Pagdidisenyo ng kurikulum at pagbibigay ng mungkahi para sa mga programang pangwika.

  • Pananaliksik sa Wika at Panitikan – Pag-aaral ng mga kontemporanyong isyung pangwika at pampanitikan.

  • Cultural Worker o Advocacy Educator – Pagtataguyod ng wikang pambansa at lokal na kultura sa labas ng akademya.

  • Content Developer para sa Media at Edukasyong Online – Paggawa ng nilalaman para sa multimedia, e-learning, at edukasyong digital.

  • Binubuo ng mga guro at iskolar na may lawak ng karanasan sa pagtuturo, pananaliksik, at publikasyon

  • Masinsing pagtutok sa mga kontemporanyong isyu sa wika, panitikan, at pagtuturo

  • Programang bukás para sa mga guro, manunulat, at propesyonal sa larang ng komunikasyon at edukasyon

  • Pagsasanay sa pananaliksik na maaaring ilathala o ipresenta sa mga pambansa at internasyonal na kumperensiya

  • Konektado sa mga inisyatibo para sa edukasyong multilinggwal at pambansang panitikan

  • May mga seminar-workshop, pakikipagtalastasan sa mga awtor, at proyektong pangkomunidad

  • Iniaalok sa format na angkop sa mga propesyunal na may trabaho (modular o weekend classes)

  • Alinsunod sa CHED Memorandum Orders at kinikilala ng mga akreditasyong institusyon

bottom of page